Paano mo paghahandaan ang iyong susunod na yugto ng iyong buhay? Sabi nila ang yugto ng buhay ay ito: pagiging bata- ikaw ay dependent pa sa iyong mga magulang pagiging tinedyer- ikaw ay naghahanap ng iyong pagkatao pagiging adulto- ikaw ay nakikilahok na sa isyung panlipunan; mag-aasawa ka na, may karera ka na. pagiging may-edad- ikaw ay nagpapayo na para sa susunod na henerasyon. Sa kabilang panig naman, puwede mong hatiin ang yugto sa bawat dekada ng iyong buhay. pagtuntong mo sa trenta- nakapokus ka sa karera mo pagtuntong mo sa kuwarenta- nakapokus ka sa layunin ng buhay mo pagtuntong mo sa singkwenta- nakapokus ka na sa reputasyon mo pagtuntong mo sa sisenta- nakapokus ka na sa nagawa mo sa buhay mo. Alinman diyan ang gamitin mong panukat ng yugto, nais mo bang paghandaan iyan? Magbasa, magtanong para sa impormasyon. Gawin ito bago pumasok sa yugtong ito. Upang ang mga plano mo sa buhay ay maihanda muna bago pumasok doon.
paano nakahahadlang sa pag-unlad ng bansa at paglaganap ng katarungan ang mga katiwaliang nangyayari sa pamahalaan Ang katiwalian ay simpleng ang pagnanakaw at pagsisinungaling. Upang makakuha siya ng kayamanan, kapangyarihan at iba pang pabor, kailangang gamitin ng isang nakaupo sa posisyon sa pamahalaan ang anumang impluwensya, kapangyarihan na mayroon siya. At nangangahulugan lagi ito ng pagbagal ng tamang proseso dahil kailangang unahin ang mga personal na interest, ni hindi puwedeng mabago ang proseso ng suhol pailalim at mga doble karang mga kita. Ito ay kabawasan sa kita at karagdagan sa gastusin ng pamahalaan dahil sa maling paggamit ng pondo. Maging ang kawalan ng tiwala ng taong-bayan o ng mga investor ay isang dahilan ng mahinang ekonomiya. Ang lahat ng iyan ay tunay na nakakahadlang sa pag-unlad. Marami ang naapektuhan gaya ng hindi pagtanggap ng inilunsad na programa. Kailangan nilang maghintay ng matagal at nakatatanggap man ay baka maliit pa sa inaasahan nila...
Ano ang paghahanda sa minimithing uri sa pamumuhay Kailangan ng PAGHAHANDA PARA MAKUHA NATIN ANG ATING MITHIIN (GOALS) SA BUHAY. Pero paano naman natin ito magagawa? Tingnan natin ang mga sumusunod? GUMAWA NG SCHEDULE Gawin mo ito upang maiplano mo ang mga bagay na dapat mong gawin bago ka pa magumpisa ng isang gawain. Upang magawa mo ito ng maayos. MANALANGIN Maaari mong hilingin sa Diyos na tulungang kang maabot ang iyong mga goals sa tamang paraan. Pero hindi nais ng Diyos na hilingin mo ang mga bagay na labag sa kaniyang kagustuhan. IHANDA ANG ISIP Kailangan mong patiunang alamin ang mga bagay-bagay o sitwasyon bago mo umpisahan ang mga gawain mo. Tutulong ito sayo na huwag agad sumuko kapag napaharap ka sa malalaking pagsubok na hahadlang para hindi mo maabot ang iyong mga goals. KUMILOS Mawawalan ng halaga ang lahat ng plano at panalangin kung wala kang pagkilos. Halimbawa, para makarating ng sa iyong pupuntahan, kailangan na ikaw ang unang humabang bago ka makarating dito...
Comments
Post a Comment