Ano Ang Tamang Daglat Ng Salitang Punong-Guro?
Ano ang tamang daglat ng salitang punong-guro?
Ang daglat ay tinatawag ding abrebiyasyon sa Tagalog. Sa Ingles, ang salitang daglat ay abbreviation.
Ang ibig sabihin ng abrebiyasyon o abbreviation ay pinaiksing salita, tawag, ngalan, o titulo na maaaring tumukoy sa tao o lugar.
Ang punong-guro ay walang tamang daglat dahil ito ay walang pinaiksing salita o titulo/tawag. Wala itong abrebiyasyon. Ang punong-guro ay halimbawa ng tambalan.
Ang tambalan ay dalawang salita na pinagsama para makabuo ng panibagong salita.
Halimbawa:
- Balat-sibuyas
- Patay-gutom
- Takip-silim
Mga halimbawa ng mga salita o titulo/tawag na pinaiksi (may daglat):
- Pangulo - Pang.
- Baranggay - Brgy.
- Konsehal - Kon.
- Mister - Mr.
- Misis - Mrs.
- Ginang - Gng.
- Binibini - Bb.
Maaaring bisitahin ang mga links sa ibaba para sa kaugnay o karagdagang detalye:
Comments
Post a Comment