Ano Ang Ibig Sabihan Ng Digital Immagrants

Ano ang ibig sabihan ng digital immagrants

Ang digital immigrant ay tumutukoy sa isang tao na ipinanganak o lumaki bago pa ang malawakang paggamit ng digital technologay. Ang halimbawa ng nasabing teknolohiya ay ang paggamit ng gadget, computer kasama na ang software programs nito at maging ng paggamit ng internet.

Ito din ay maaaring lumarawan sa mga indibiduwal na ipinanganak na matagal nang ginagamit ang digital technology pero hindi naging bahagi ng kaniyang kabataan. Ito ay kabaligtaran ng mga digital natives na mula pagkabata ay nakakakita na at nakakagamit ng mga digital technology.

Para sa mga digital immigrant, ang paggamit nito ay kabalisahan dahil sa komplikadong mga proseso nito. Yamang napapabilis nito ang mga gawain at inihaharap sila sa maraming mga pamimilian, at mabilisang pagkilos, pagtingin o monitor, nahihirapan silang gamitin ito ng lubusan at ang ilan ay bumabalik pa din sa dating nakasanayan. Ang ilan ay masasabing immigrant dahil makikita na gumagamit na sila ng mga basic functions nito gaya ng sa komunikasyon at ilang pagkuha ng mga impormasyon kasabay pa din ng ilang paggamit ng kinasanayan. Halimbawa nito ay ang paggamit ng messaging platform gaya ng electromic mail habang gumagamit pa din ng library para sa mga impormasyong gagamitin niya. Gagamit siya ng ,ga website ngunit ang mga site na mas mahahaba, simple at detalyado. Gagamit siya ng powerpoint pero basic functions at puro mga salita.

Bagaman malayo sa latest, hindi masasabing kabawasan sila sa productivity. Tandaan na mas matalas ang kanilang analysis at actual productivity kaysa sa ilang digital natives. Kailangan sila ng mga bagong henerasyon sa pagpopokus at pagtatakda ng mga tunguhin.


Comments

Popular posts from this blog

Which Of The Following Greatly Cause Weather Changes?, I. Use Of Motor Vehicles, Ii. Cutting Down Of Trees, Iii. Use Of Products With Cfc, Iv. Massive

What Is The Largest Planet

What Is The Lesson Of The Universals By Dr.Cleofe Bacungan?