Ano Ang Katayuang Panlipunan-Pangkabuhayan?
Ano ang katayuang Panlipunan-Pangkabuhayan?
Ang katayuang Panlipunan- Pangkabuhayan ay isang larangan ng pag-aaral may kinalaman sa galaw ng ekonomiya na ginagabayan o kinokontrol ng mga gawain o kalagayan sa lipunan. Ang lipunan ay binubuo ng mga proseso sa politika, edukasyon, kultura at pag-uugali ng tao.
Ito ay may napakalaking epekto yamang ang tao ang pangunahing tauhan sa ekonomiya. Ang kanilang pagkilos ay maaaring magpakilos o magpabagsak sa mga proseso ng ekonomiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang isyu sa moralidad, globalisasyon, teknolohiya, krimen at pamamahala. Anumang pagbabago dito ay gumagalaw din ang ekonomiya.
Maraming mga nabubuong karunungan dahil sa pag-aaral ng panlipunang-pangkabuhayan. Kaya nabubuo ang mga estratehiya ng mga negosyo dahil sa mga napag-aralang ito.
Comments
Post a Comment