Bakit Pakitang Tao Ang Isyung Panlipunan Sa Kabanata 26 Ng Noli Me Tangere
Bakit pakitang tao ang isyung panlipunan sa kabanata 26 ng noli me tangere
Noli Me Tangere
Kabanata 26: Ang Bisperas ng Pista
Isyu ng Lipunan:
Ang isyu ng lipunan na ipinakita sa kabanatang ito ay ang pagpapakitang tao. Ang pag uugaling ito ay sinasalamin ng magagarang ganyak at handaan ng bayan ng San Diego gayong iilan lamang sa mga mamamayan nito ang totoong nakaririwasa sa buhay na may kakayahang maghanda at maggayak ng magara. Bukod dito, mismong si Padre Damaso na magbibigay ng sermon kinabukasan ay nagpapamalas din ng naturang pag uugali. Samantala, si Ibarra naman ay abalang abala sa kanyang ipinapatayong paaralan. Maging si Nol Juan na nangangasiwa sa naturang proyekto ay punong abala sa paaralan at hindi sa pista na mangyayari kinabukasan.
Ang isa pang kapansin pansin sa kabanatang ito ay ang pagboboluntaryo ng kura na maging padrino ng ipinapatayong paaralan. Bagay na hindi pinahintulutan ni Ibarra sapagkat hindi naman daw simbahan ang kanyang ipinapatayo kundi paaralan at siya ang sasagot ng lahat ng gastos para dito. Dahil dito, siya ay labis na hinangaan ng mga binata at mag-aaral. Ginawa siyang huwaran, ngunit madalas ang kanilang napupuna ay ang kanyang mga kasiraan tulad ng ayos ng kurbata, tabas ng kuwelyong damit, bilang ng butones ng tsaleko o amerikana. Sa huli, nawala sa isipan ni Ibarra ang mga natatakot na hinala ni Mang Tasyo, at pinaghandaan ang tinuran nito na "kung ang isalubong sa iyong pagdating may masayang mukha't pakitang gilliw, lalong pag-ingata't kaaway na lihim…siyang isaisip na kakabakahin".
Read more on
Comments
Post a Comment