Paano Nakahahadlang Sa Pag-Unlad Ng Bansa At Paglaganap Ng Katarungan Ang Mga Katiwaliang Nangyayari Sa Pamahalaan
paano nakahahadlang sa pag-unlad ng bansa at paglaganap ng katarungan ang mga katiwaliang nangyayari sa pamahalaan
Ang katiwalian ay simpleng ang pagnanakaw at pagsisinungaling. Upang makakuha siya ng kayamanan, kapangyarihan at iba pang pabor, kailangang gamitin ng isang nakaupo sa posisyon sa pamahalaan ang anumang impluwensya, kapangyarihan na mayroon siya.
At nangangahulugan lagi ito ng pagbagal ng tamang proseso dahil kailangang unahin ang mga personal na interest, ni hindi puwedeng mabago ang proseso ng suhol pailalim at mga doble karang mga kita. Ito ay kabawasan sa kita at karagdagan sa gastusin ng pamahalaan dahil sa maling paggamit ng pondo. Maging ang kawalan ng tiwala ng taong-bayan o ng mga investor ay isang dahilan ng mahinang ekonomiya. Ang lahat ng iyan ay tunay na nakakahadlang sa pag-unlad.
Marami ang naapektuhan gaya ng hindi pagtanggap ng inilunsad na programa. Kailangan nilang maghintay ng matagal at nakatatanggap man ay baka maliit pa sa inaasahan nila. Ang iba naman ay namamaniobra sa mga kaso ng mga krimen para itago ang anumalya. Marami ang naghihintay sa mga opurtunidad ngunit nasa kakaunti lamang ang mga pribilehiyo. Ang lahat ng ito ay kawalang-katarungan.
Kaya ang katiwalian ang nagpapabagsak sa mga estado. Nakita na natin ito kahit sa Pilipinas anupat tayo ay nauuna sa Asya noon. Ang piso ay 1 dolyar lamang. Pero ngayon, tuluyan na tayong nasa hulihan ng ibang mga bansa.
Comments
Post a Comment