Siino Kila Sisa Crispin At Basilio Ang Nakaka Awa? Bakit?
Siino kila sisa crispin at basilio ang nakaka awa? bakit?
Noli Me Tangere:
"sino kila sisa crispin at basilio ang nakaka awa? bakit?"
Sagot:
Lahat sila ay nakakaawa ngunit dahil tanging si Basilio na lamang ang natirang buhay sa kanilang tatlo, masasabi kong siya ang may pinakamatagal ang pagdurusa. Naulila na siya ng lubos at nawalan din ng kasintahan. Maging ang umampon sa kanya na si kapitan Tiyago ay pumanaw na din at naranasan niya na makulong ng walang kasalanan kundi ang maging kamag aral ang mga kabataang naghain ng petisyon para sa pagtatayo ng akademiya. Bukod dito, nabigo din si Basilio na makapagtapos ng pag aaral. Parati rin siyang tinutukso ng kanyang mga kamag aral dahil sa pagsusuot ng lumang damit, kawalan ng kakayahan na makapagsalita ng wikang kastila, at iba pa.
Nagakaroon siya ng bagong kaibigan sa katauhan ni Simoun at nalaman niya na ito at si Ibarra ay iisa. Papatayin dapat siya nito ngunit nagbago ang isip nito at inalok na lamang siya na sumamang maghimagsik sa kanya kapalit ng kanyang kaligtasan. Hindi siya pumayag ngunit nakulong naman siya ng mapagbintangan sila ng kanyang mga kamaga aral sa pagpapakalap ng mga paskil laban sa mga prayle. Makalipas ang ilang araw, ang mga estudyante ay isa-isang nakalaya maliban sa kanya. Nang makalaya siya, nabalitaan niya na ang kaniyang kasintahan na si Huli ay nasawi makaraang ito ay tumalon mula sa bintana ng kumbento.
Read more on
Comments
Post a Comment