Tungkol Saan Ang Kabanata 24 Ng Noli Me Tangere?
Tungkol saan ang kabanata 24 ng noli me tangere?
Noli Me Tangere
Kabanata 24: Sa Kagubatan
Paksa:
Sa kabanatang ito nabunyag ang lihim na pagmamasid ni Padre Salvi sa mga kadalagahan na pinangungunahan ni Maria Clara na nakatuwaang maghanap ng pugad ng gansa. Napag usapan din ang sakunang nangyari kay Padre Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito kaya naman nais mabigyan ng kura ng hustisya ang ginawang ito kay Padre Damaso. Samantala, napadpad si Sisa sa lugar kung saan naroroon sila Ibarra at naungkat ang ginawang pagpaparusa sa mga anak nitong sakristan. Bunga nito, nagkaroon ng mainit na sagutan si Don Filipo at ang pari kaya naman inawat na lamang ni Ibarra ang usapan.
Nagalit ang kura sa mga sinabi ni Don Filipo at nagpasya ng umalis. Sa kanyang paglakad ay namataan niya ang mga kabataang naglalaro ng gulong ng palad na labis niyang ikinagalit. Sinabi niya na ang paniniwala sa gulong ng palad ay isang malaking kasalanan. Pinunit ni Padre Salvi ang aklat ng gulong ng palad at pagkatapos ay tinalikuran ang galit na si Albino upang bumalik na lamang ng kumbento. Nagalit si Albino sa pangingialam na ginawa ng kura sa aklat. Dumating ang apat na gwardya sibil upang dakpin si Elias ngunit hindi nila inabutan ang binata sapagkat ito ay naging maagap sa kanyang pagtakas. Sinadyang lisanin ni Elias ang kagubatan pagkaraang maramdaman na ang kura ay nagpunta roon upang siya ay manmanan.
Read more on
Comments
Post a Comment